Homily on Friday, 15th Week in OT, 18 July 2025, DB TVET Chapel Borongan

Napakaganda ng lugar ninyo dito sa Borongan, Eastern Samar – maraming mga punong-kahoy, malinis ang tubig sa mga ilog, sariwa ang hangin at higit sa lahat magaganda ang mga ngiti ng mga tao.
Ngunit nanganganib itong kabigha-bighaning kalikasan kung unti-unting mawawala ang ating pagkilala sa Panginoong Diyos na lumikha ng lahat ng ito; ang makapangyarihang Diyos na lumalang sa bawat tao at sa buong mundo.
Bago pa man dumating ang mga Kastila nuong 1521 tayong mga Pinoy ay sadya ng maka-Diyos at makatao. Malakas ang takot natin sa Poong Maykapal. Malakas din ang paggalang natin sa mga espiritu, na hindi man natin nakikita ngunit paminsan-minsan ating nakakasalamuha.
Halimbawa, bago dumaan sa isang “nuno sa punso” o bago umihi sa harap ng isang punong-kahoy, kadalasan ang Pinoy ay nagsasabi muna ng “Tabi-tabi po.” Dagdag pa rito, bago simulan ang pagpapatayo ng bagong bahay sa isang bakanteng lupa, ang mga mangagawang Pinoy ay magpapadugo muna upang maligtas sa anumang kapahamakan.
I myself have witnessed these practices. I remember when I was still a newly ordained priest I was requested to bless a vacant lot in a gated subdivision where a new house would be constructed. I told the owner to have some candles ready for the blessing. So on that day they came with candles prepared. But the construction workers came with a live chicken. And when we were about to start the Rite of Blessing, the chicken was slaughtered, and its blood poured on the four corners of the vacant lot. When I asked why they did what they have done, they said it was an offering to the spirits, which were dwelling there, so that these may go away and leave both the construction workers and the new homeowners in peace.
In other words, nasa kultura na ng mga Pinoy ang pagkilala sa mga espiritung hindi nakikita. The fear of God including the peaceful relationship with the spirits runs in the Filipino blood. Kaya’t kung sa tingin ninyo, itong takot sa Diyos ay nawawala na unti-unti sa inyong kamalayan at gayun din sa inyong pamilya, ngayon ang pagkakataon na habang kayo’y nandirito pa sa Don Bosco ito’y maibalik at mapalago sa inyong puso’t isipan at gumabay sa lahat ng inyong pagkilos at paggawa.
Sa unang pagbasa (Exodus 11:10 – 12:14) narinig natin ang kuwento ni Moises at kung paano naligtas ang mga Judio mula sa parusang pagpatay ng mahiwagang “Anghel ng Kamatayan” duon sa Egipto. What did the Israelites do at that time so that they might be saved from the Angel of Death? Ang bawat pamilya’y nagkatay ng kordero na iisang taong gulang pa lamang, at pagkatapos, ang dugo nito’y ipinahid nila sa pintuan ng kanilang mga tahanan.
And so, that night, when the Angel of Death came and saw the blood on the doorposts of their houses, it did not harm anyone of the Jews who were dwelling in those houses. Ngunit pagdaan nung masamang espiritu sa mga bahay ng mga Egyptians, dahil wala siyang nakitang dugo ng kordero sa mga pintuan nito, pinasok niya ang mga ito at pinagpapatay ang lahat ng mga panganay na lalaki sa mga anak ng mga Egyptians. At kabilang sa mga namatay ay ang panganay mismo na anak ni Pharaoh, King of Egypt.
Based, therefore, on this biblical story, we can say that the blood offering of animals was truly powerfully effective against bad spirits at least at that time. Makapangyarihan at mabisa ang gawaing “pagpapadugo” dahil ito ang nakapagligtas sa mga Judio sa Anghel ng Kamatayan. At ito ang kahuli-hulihang salot na nagpalaya sa mga Israelita mula sa kanilang pagkakaalipin sa Egipto.
Ito ngayon ang tanong: dapat pa rin ba nating ipagpatuloy ang gawaing “pagpapadugo” laban sa mga masasamang espiritu? Ang sagot ay “Hindi na!” Bakit? Dahil naniniwala tayo na si Kristo na mismo ang nag-alay ng kanyang sariling buhay upang tayo’y maligtas sa lahat ng kapangyarihan ng masasamang espiritu. Noong siya’y pinako sa krus ibinuhos niya ang kanyang kamahal-mahalang dugo hanggang sa kahuli-hulihang patak nito upang tayo’y tuluyang mapalaya sa pagkakaalipin ng mga demonyo.
Kaya ngayon, sa halip na tayo’y magkatay ng manok, kambing o aso na may layuning magpadugo laban sa masasamang espiritu, tayo’y sadyang dumadalangin na lamang kay HesuKristong ating Panginoon at Manunubos. Hinihiling natin sa kanya na ang kanyang kamahal-mahalang dugo ang maglinis sa ating mga kasalanan at magligtas sa atin mula sa mga kamay ng demonyo at ng lahat ng masasamang espiritu.
In fact, during the Mass, when the priest raises the consecrated bread and wine before Holy Communion, he says the following words “Behold the Lamb of God, who takes away the sins of the world. Happy are those called to the supper of the Lamb.” Si Hesus ang Kordero ng Diyos na nag-alay ng kanyang katawan at dugo upang mapatawad ang mga kasalanan ng sanlibutan.
Ito ang katotohanang ating pinaniniwalaan: sa tuwing tayo ay nangungumpisal sa Pari, at sa tuwing tayo ay nagsisimba at tumatanggap ng Banal na Komunyon nagiging ganap ang pagbubuhos ng kamahal-mahalang dugo ng Panginoon para sa ating kaligtasan. Kaya nga dito sa Don Bosco sinisikap nating makapagkumpisal sa Pari hangga’t maaari buwan-buwan. At sinisikap din nating magsimba at magkomunyon tuwing Lingo (at tuwing Biyernes bago magsimula ang klase). Iyan ang ibinilin mismo ni San Juan Bosco upang tayong lahat ay laging ligtas, mapayapa ang kalooban at tunay na pinagpapala.
Finally, I would like to encourage you to visit Jesus more frequently in the Blessed Sacrament: first, in the morning upon arriving; then after lunch before resuming your classes, and then finally in the afternoon before going home. This will remind you that Jesus is always with you to bless you and protect you. GiGsss!
Disclaimer: This section of the website is a personal creative writing of the author and does not necessarily reflect the official views, opinion, or policies of the Salesians of Don Bosco – Philippines South Province. For concerns on the content, style, and grammar of this piece, please contact us.